MANILA (PNA) – President Benigno S. Aquino III on Wednesday led the groundbreaking ceremony for the Metro Rail Transit 7 (MRT7) project that will shorten the commute between Bulacan and Metro Manila.
During the event, held at the Quezon Memorial Circle, the President was assisted by San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang, House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte, Jr., Quezon City Mayor Herbert Bautista, Bulacan Governor Willie Sy-Alvarado, and other stakeholders.
“Ito na nga po ang kauna-unahang mass transport system na magdadala ng benepisyo sa ating mga kababayan sa Northeast NCR (National Capital Region) hanggang sa bahagi ng Bulacan. Ang mga nakatira malapit dito sa Quezon Memorial Circle, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Fairview, hanggang sa mga taga-San Jose del Monte, Bulacan, ay magkakaroon na ng mas mabilis at episyenteng paraan para makarating sa kanilang mga trabaho, pati na sa iba pang sentro ng komersyo sa Kamaynilaan,” President Aquino said in his speech.
The 23-kilometer elevated railway that will connect North Avenue in Quezon City to San Jose del Monte, Bulacan, will be built by the newly formed SMC MRT-7. It will have 14 stations—North EDSA; Quezon Memorial Circle; University Ave.; Tandang Sora; Don Antonio; Batasan; Manggahan; Dona Carmen; Regalado; Mindanao Ave.; Quirino Highway; Sacred Heart; Tala; and San Jose del Monte. A depot that will be built in San Jose del Monte will house a control center, administrative offices, warehouse, and facilities for train cars.
The MRT7 is expected to have an initial daily capacity of 550,000 during peak hours, accommodating 28,000 passengers per hour per direction.
“Sa halagang Php 69.3 billion, itatayo natin hindi lamang ang 23 kilometrong Metro Rail Transit System line, kundi pati na rin ang isang Intermodal Transport Terminal (ITT) sa San Jose del Monte. Dito po, pagbaba ng pasahero sa tren, makakasakay na siya sa kanyang pribadong sasakyan o kaya sa mga pampublikong sasakyan patungo saanmang bahagi ng Bulacan at karatig nitong bayan. Gayundin, ang mga magmumula sa ITT ay mas madali nang makakarating sa Maynila,” the President explained.
“Dagdag pa rito, kasama sa proyektong ito ang paglalatag ng 22 kilometrong highway, mula sa Bocaue interchange ng NLEX (North Luzon Expressway), hanggang sa ITT sa San Jose del Monte. Sa pamamagitan ng bagong highway na ito na may lawak na anim na lanes, hindi na kailangang makipagsiksikan ng mga pribado at pampublikong sasakyan na papunta sa ITT at sa NLEX sa mga kalsada ng San Jose del Monte,” he added.
Once completed, the project will benefit 350,000 commuters a day, he said, noting that travel time from San Jose del Monte to Makati will be drastically reduced from three-and-a-half hours to one hour.
The President pointed out that the National Economic and Development Authority (NEDA) Board approved the project back in 2013.
“Masusing pag-aaral ang kailangan dito; dapat maisaayos ang lahat ng gusot sa kasalukuyan, para hindi na ito makaperwisyo sa kinabukasan. Tungkulin din ng inyong pamahalaan na sa bawat negosasyon, siguruhing nasasagad ang benepisyong dala nito sa ating mga Boss. Ngayon pong malinaw sa atin ang pakikiisa ng ating mga katuwang sa proyekto sa layuning isulong ang kapakanan ng ating mga kababayan, masisimulan na ito, upang pagdating ng 2020 ay mapakinabangan na natin ito,” he explained.
The Chief Executive also cited the government’s 50 solicited Public Private Partnership (PPP) projects.
“Labing-isa sa solicited projects na ito ang nai-award na sa mga partner nating pribadong sektor; lampas pa po ito sa 6 na proyektong nai-award sa nakaraang tatlong administrasyon. Labing-apat naman po sa mga PPP projects natin ang nasa iba’t ibang bahagi na ng procurement, habang ang natitira pa ay nasa pipeline,” he said.
He assured that all agreements entered into by the government were crafted for the benefit of the people.
“Noon pong huling SONA (State of the Nation Address), idiniin natin: ‘Di na baleng hindi ako ang mag-groundbreaking o mag-ribbon-cutting… ang mahalaga: Gawing pulido at naaayon sa batas ang mga proyekto, para oras na maaprubahan ito, dire-diretso ang pagpapatupad; maski sino ang sumuri, papasa ang kalidad ng ating ipinatatayo,’” President Aquino said.
“Babalikan ko po ang araw na ito, sa kabanata ng Daang Matuwid na pinagtulungan nating itala… at marahil, sa araw na iyon, bibigkasin kong muli ang kaisipang ibinabahagi ko sa inyo ngayon: Talagang walang imposible sa Pilipinong disente, tapat, at tunay na nagkakaisa,” he said. (PNA)