Aug 222015
 

Alden ‘The Dimple’ Richards with the ALDUBARKADS — Pia Guanio, Pauleen Luna, Julia Clarete, Anjo Yllana, Keempee de Leon, Sam YG, Ruby Rodriguez and Ang Poet N’yo. By the way, yun nga palang mga may ALDUB-PRESYON ay dinadala namin sa KILIG-NIC!

Nangyaring KALYESERYE problemang maganda,

Kami man ay hirap ipaliwanag s’ya!

Anthropologists, Sociologists, etcetera,

Para maintindihan ay tulong-tulong na!

Maraming nagsusuri kung bakit s’ya ganyan,

Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa tamang panahon daw sikreto’t dahilan,

May mga meeting daw upang pag-aralan,

May mga nag-meeting din para lang siraan?

At eto pa NAKATUTU-NAKATATAWA —

Mga tagahanga nagtatalo-talo pa!

Tungkol sa mangyayari ay may kanya-kanya,

Sa ‘ming KALYESERYE nagkatrapik-trapik na!

Katuwaang gumawa ng pagkukumpara

Ang Poet N’yo ng Kalyeserye at sa iba,

Nang malaman kung merong naggagaya-gaya,

At baka kung bakit mahalina’y makita!

Kung ang Kapamilya ay may Bahay ni Kuya,

Dito naman sa’min ay sa LUPA NI LOLA!

At alam n’yo namang P-B-B ‘yung kanila,

PA-BE-BE naman ang nais ng Kabarkada!

Ngeh! At kahit pa nga sila pa ang nauna,

PA-BE-BE na kami’t ‘wag nang makialam pa!

Eh kasi pag sa Tagalog binigkas sila

Ay magiging PA-BA-BA ang letra pagbasa!

Ngek! Eh ‘yan naman ay kung maniniwala ka,

Eh kami nga unang salita pag binasa

Nang paatras… E-A-T… Ngek! O, alam n’yo na?

At natatapak-tapakan pa nga, hindi ba?

At para sa akin ‘yun din nama’y maganda,

Dahil “dumi” na ‘yan sa lupa makikita,

At bukod sa “swerte” raw’y sumisimbulo pa

Ang lupa sa nakararaming mga masa!

LUPA… kaya nga “kalye” ang ibinalandra,

Bakit ‘di LUPASERYE? Tinatanong pa ba?

LUPASAY SA ERE kasi ang katunog n’ya!

Ngek! Eh mas bagay naman yata ‘yun sa iba!

Ba’t nga ba may KALYESERYE na epidemya?

‘Di lang dito kundi buong mundo nahawa!

Simple lang: Mga bituin nila’y luminya!

Namukadkad ang CALLEFLOWER na si Yaya!

At kung NEW NATIONAL FLOWER na nga si Yaya,

Ang National Food naman daw ay ALDUB-O na!

KALYE-KARE at KALYERETA dumagdag pa!

Marami ang may ALDUB-PRESYON na talaga!

Ang susi sa kombinasyon nila at timpla,

Pag natuklasan EUREKA! at HALLELUJAH!

But for now ayaw kong sumakit ang ulo pa,

Nanamnamin muna panibagong ligaya!

Sa totoo lang walang sinadyang formula

Para kay Alden Richards at kay Maine Mendoza,

Dalawang bagay na nagsama lang nakita —

The “DIMPLE and the SIMPLE” lamang ng dalawa!

Na higit pang pinatibay at pinalutang

Sa Kalyeserye nga sa Juan for All, All for Juan

Ng JOWAPAO sa kanilang ginagampanan,

Ng mga Dabarkads at iba pang tauhan!

Basta tanggap ko ito’y isang pagpapala,

Bumagsak sa kandungang pabuyang biyaya,

Baka dahil tapat kami sa ginagawa,

Kung ano kami ay ‘yun na at walang daya!

For 36 years kaming tatlo alam n’yo ba?

Hindi nag-me-make up pagharap sa kamera!

Walang sikreto ang show, walang pampapula,

KUNG PANGIT BAKIT MO TATAWAGING MAGANDA?!

 Leave a Reply

(required)

(required)