That’s me with Mike Enriquez and Fr. Jerry Orbos at the Temptation Restaurant in Jericho where you can find the best lamb chops in the world! Ito nama’y sa ganang akin at sa gana nang kainin! From left: A Man of the Cough (‘Ehem, excuse me po!’), A Man of the Cloth and A Man of the Loin Cloth (Starzan eh!).
Nang sa Terra Sancta o Holy Land nagtungo
Nung ikalawang linggo ng buwan ng Marso
At nang kami’y nananghalian sa Jericho,
Nakita si Father Orbos at kanyang grupo.
Sa isang kainan na tigilan ng tao
Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
Na mga manlalakbay nagkikita dito —
The Temptation Restaurant ang pangalan nito
At sa Mountain of Temptation malapit ito.
At kami ni Mike Enriquez na kasama ko,
Nagpalitan ng pagbati at mga kwento,
Nasabi nga naming akalain ba n’yo
Na sa dami ng lugar nagkita pa dito.
Katatapos lang kumain ng aming grupo
At sina Father Jerry dumating na bago,
At sa kanya rin ay masayang naikwento —
Pinaka-THE BEST na LAMB CHOPS nakain dito!
At kami ay nagulat sa sinagot nito —
Na kaya nga rin sila tumitigil dito
Sa tuwing daraan sa panig ng Jericho
Ay dahil sa Lamb Chops na kanyang gustong-gusto!
He, he, he… o di ngayon nakita rin ninyo —
Kaming lahat mga pangkaraniwang tao,
Sa Banal na Paglalakbay na tulad nito,
Busog sa Lamb of God… at Lamb Chops sigurado!
Iisipin n’yo bang dito pa sa Jericho
Itong si Father Jerry ay makikita ko!
At dito pa nga sa Bundok ng Panunukso,
Sa Restaurant ang Lamb chops ay katukso-tukso!
Anak ng tupa talaga ito ay seryo —
Tapos na ‘kong mananghali nang matikman ‘to
At dahil sa tindi ng sarap ay natukso,
Humirit pa nga muli at nag-Lunch Number Two!
Wala pong halong biro ito ay totoo —
Pinakamasarap s’yang Lamb chops nakain ko!
At kung hinala n’yo ay nabarayan ako,
Ba’t ‘di n’yo subukan magpunta ng Jericho!
Pati si Imbestigador kitang-kita ko,
“Excuse me po…” at umorder pang isang plato!
Iba s’ya talaga’t walang kaanggo-anggo,
Dumighay na nga’t lahat hawak pa rin buto!
O lamb, o lamb… ‘di ba’t “ULAM” agad tunog mo?
Sorry at ang aga mong malagay sa menu,
‘Sensy na’t ‘di na yummy pag mutton-da na you,
Kaya less than one-year-old pa la’y sentensyado.
Sa nakaraang TLC naman ng grupo,
TLC as in Toronto Live Concert ito
Ng Eat, Bulaga! Dabarkads nung ‘sang Sabado,
Sa lahat ng dumalo salamat sa inyo!