
Masquerade Concert Sa kahilingan ng nakararami, muling magtatanghal sa isang konsiyerto ang mga batikang Pilipinong mang-awit na sina Martin Nievera at Lani Misalucha sa Pechanga Resort & Casino Temecula, California, sa Mayo 13 sa ganap na 8p.m. Ito’y matapos ang matagumpay na pagtatanghal noong nakaraang Setyembre 2016. Bilang ‘Hari ng Ballad’, si Nievera ay nagkamit ng ‘ Box Office Entertainment Awards’ para sa Best Male Concert performer of the Year noon Abril 17, 2016, mula sa GMMSF, Inc.Sa loob ng 33 taon, inaaliw ni Nievera ang kanyang mga tagasunod hindi lamang ng mga awiting halaw mula sa Original Pinoy Music (OPM), kungdi’y di mabilang na mga awiting isinalin nito mula sa mga pamoso’t kilalang mang-aawit sa buong mundo. Nito lamang Agosto, si Nievera ay naglabas ng bago album— “The best of Martin Nievera—- Kahapon…Ngayon” mula sa pagtaguyod ng Polyeast recording. Isang Pilipinong mang-aawit, manunulat-awit, at aktor, si Nievera ay tumanggap ng 18 platinum, limang dobleng platinum, tatlong tripleng platinum at isang quadriple platinum na mga albums sa kabuuan ng kanyang career. Back-to-back, kasama ni Nievera ang “ Asia’s Nightingale,” Lani Misalucha, ang unang Asiano na bumandera sa main showroom ng Las Vegas strip na nagtatanghal kasama ang Hawaii’s Society of Seven sa Jubilee Theater ng Bally’s. Si Misalucha ay nagtataglay ng napakaraming talento, kung saan ang hanay ng mga awitin nito’y mula sa pop, rock, jazz, soul rhythm at blues at operatic areas. Sa mas pinabuti at pinag-ibayong konsiyerto, si Nievera at Misalucha ay magbibigay sa inyo ng isang patok na Read More …