Nasa atin ang panahong magwagi, ngunit hindi namin binabanggit ng Emmy’s, ESPN’s o maging ang Oscars. Kamakailan lang, ang Pechanga Resort & Casino ay nagtamo ng award na pinakamataas na parangal mula sa tatlong kilala sa bansang magazines at organisasyon para sa ekselehenteng serbisyo sa mga bisita at mga amenidad. Tinalo ng Temecula resort/casino ang mahigit sa 20 kakumpitensya nito sa kanilang kaibahan.
Ang mga mambabasa ng SoCal Gaming Guide ay tinukoy ang Pechanga Resort & Casino bilang Best Casino sa Southern California. Pinagbotohan ng mga mambabasa ng magazine, 22 tribal casinos sa Southern California ang kasali para kilalanin sa taunang Reader’s Choice 2016 BEST CASINOS na isinagawa nitong Agosto.
Ang Pechanga ay nagtamo rin ng award sa Best Overall Gaming Resort, Best Golf Course, at Best Craps mula sa Casino Player Magazine. Paulit-ulit na nanalo sa Casino Player’s Best Of na serye, ang buong-serbisyong resort at Journey sa Pechanga golf course ang mga katalista na nagpanalo sa mga mambabasa ilang taon na. Itinalaga bilang pinaka mataas na pampublikong kurso sa California ng GolfWeek magazine, ikinagiliw ng mga mambabasa ang sagradong tribal na aspeto ng kurso gayundin ng nakaeenganyong bahagdan.
Pinagkalooban ng Southern California PGA ang Journey sa Pechanga ng First Assistant Golf Professional, Bill Crist, sa 2016 Merchandiser of the Year. Ang kurso na may 2,600 square foot pro shop ay may mga club, balls, shoes, apparel, gadgets, magazines, at anumang kailangan ng isang golfer mapa street o golf chic sa pagitan lamang ng minuto. “ Ang pagkakaloob ng mapagkaibigang serbisyo sa mga customers ay laging pinakamataas na prayoridad para sa amin sa Journey Pro Shop, “ ayon kay Bill Crist. “ Sakaling hindi namin dinadala ang kailangan ng isang golfer, gagawin namin ang lahat upang makakita nito. “
“ Sa Pechanga pinag-iibayo naming magkaloob ng totohanang kakaibang eksperiyensa sa lahat ng aming bisita – sa casino floor, sa hotel, sa spa at sa golf course, kaya’t upang makilala ng mga bisita para sa aming mga pagpapakasakit ay isang karangalan, “ ayon kay Rudy Prieto, Pechanga Resort & Casino General Manager.
Ang 200,000 square foot casino floor ng Pechanga ang nagbadya ng pagtaas ng antas sa mga casino sa buong bansa, ang pagkakaroon ng pinakamalaking casino floor daig pa ang Las Vegas resort, gayundin bilang pinakamalaking resort-casinos sa kabuuan ng Estados Unidos. Piling-pili na 3,400 slot machines, 130 table games, 700-seat Bingo hall, 43-table-poker rooms, nakatalagang lugar upang manigarilyo at naglalakihang matataas na limit ng amenidad, ang prestihiyosong awards ay nararapat lamang.
Upang maranasan ang lahat ng award winning na mga amenidad at gaming sa Pechanga Resort & Casino, bumisita sa pechanga.com
Patungkol sa Pechanga Resort & Casino
Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa United States. Ibinotong numero unong casino ng mga mambababasa ng USA Today at hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na marangyang bakasyon. Naghahandog ng mahigit sa 3,400 sa pinaka mainit na slots, table games at world-class entertainment, 517 mga kwarto sa hotel, kainan, spa at championship golf sa Journey sa Pechanga, ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad. Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng toll-free sa 1-888-PECHANGA o bumisita sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa facebook at sa Twitter @PechangaCasino.