Mar 042014
 
Kenichi Ebina

Kenichi Ebina

Ang Pechanga Resort & Casino ay dati nang magiliw na destinasyon para sa mga panauhing Asyano.  Mayroon itong “Asian host team” at mga palabas na Asyano na pinapanood ng mga panauhin na may iba’t -ibang lahi.  Ikinagagalak ng Pechanga na ihandog ang pagtatanghal ni Kenichi Ebina, ang nagwagi sa “America’s Got Talent” Season 8, sa isang malaking produksiyon sa unang pagkakataon mula nang siya ay nagwagi sa telebisyon.  Mararamdaman ng mga tagahanga ang buhay na buhay na lakas ng kanyang pagsasayaw sa dalawang espesyal na palabas na mala-“Kenichi Ebina Dance-ish Entertainment” sa Abril 12 at 13 sa Pechanga Theater.  Ang mga tiket ay may halagang $30, $45, $60 at $80 at mabibili mula Martes, Pebrero 25, alas tres ng hapon.  Mabibili ang mga ito sa Pechanga Box Office mula alas dose ng tanghali hanggang alas otso ng gabi, sa pamamagitan ng pagtawag sa (877) 711-2946 o sa pagbisita sa www.Pechanga.com/Entertainment.

Asahan ninyong makakita ng makatindig balahibong pagtatanghal mula sa soloistang mananayaw na ito na natutong magsayaw sa sarili niyang pagsisikap.  Nagsimula si Kenichi Ebina sa pagsasayaw ng Freestyle Hip-Hop at natuto siyang magsayaw ng Poppin’, Lockin’, Mime, House, Jazz, Contemporary at Ethnic.  Ang kanyang kakaibang estilo ng pagsasayaw ay kombinasyon ng magkakaibang ilusyon at epekto ng tunog, liwanag at paningin.  Siya ay madalas na nakikisayaw sa mga tauhan na nasa malaking tabing sa kanyang likuran, na sarili niyang binuo o ginawa.  Ang kanyang taktika ay ang aliwin ang mga manonood na hindi man lang interesado sa sining ng pagganap.

Sinimulan ni Kenichi Ebina ang kanyang karera sa pagsasayaw noong siya nagpasimula sa grupong “BiTrip,” kasama ang ibang mananayaw na Hapon noong 2001.  Napanalunan ng BiTrip ang unang puwesto at sila ay naging Grand Champion ng “Amateur Night.” Noong 2007, napanalunan ni Kenichi ang pitong parangal sa isang kompetisyon sa pagsasayaw na pinamagatang “Showtime at the Apollo” at siya lamang ang naging Grand Champion ng dalawang beses sa buong kasaysayan ng Apollo Theater.  Pagkatapos ng pitong taon,  nakamit ni Kenichi ang pambansang  pagkilala at nagkaroon siya ng mga tagahanga mula sa buong bansa sa pamamagitan ng “America’s Got Talent.”  Pagkatapos ng kanyang pagsasayaw ng dalawang beses sa pinale ng palabas, siya ay hinirang na tagapanalo ng season 8 noong Setyembre 18, 2013.

Si Kenichi ay naging aktibong-aktibo pagkatapos niyang manalo sa “America’s Got Talent.”  Siya ay nagtanghal sa maraming pagdiriwang at mga palabas na pang-telebisyon sa iba’t-ibang bansa, nagturo ng pagsasayaw sa Estados Unidos, Tsina, bansang Korea, Hapon at marami pang iba, at nagturo din ng sayaw sa teatro.  Sa ngayon, si Kenichi at mapapanood sa telebisyon sa palabas na pinamagatang  “Angelina Ballerina” sa PBS Kids Sprout bilang isang mananayaw.

Huwag kaligtaan ang kabiha-bighaning palabas ni Kenichi kung saan makikita ang kanyang tanging kakayahan sa pagsasayaw na tiyak na magpapahiyaw at magpapapalakpak sa mga manonood.  Halina at ng maranasan ang lahat ng ito ng buhay na buhay sa Pechanga Resort & Casino!

Inaalok ng Pechanga

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras.  Ang mga panauhin ay dapat na may edad 21 anyos at pataas para makapasok sa casino.

 

Feb 112014
 
Handog Ng Pechanga Resort & Casino ang asian media showcase para sa multi milyong dolyar na renobasyon at mga bagong restawran

Mr. Dennis Khanh VP of F&B interview with Vietnamese Media TEMECULA, Calif.– Pechanga Resort & Casino, ang pinaka malaking resort/casino ng estado, ay nagbukas kamakailan lamang ng kanilang bagong hotel lobby na pumailalim sa isang  multi milyong dolyar na renobasyon.  Kasama rin ang renobasyon ng dalawang  restawran at ang pagbubukas ng dalawang bagong kainan.  Para ipakita ang walang kupas at eleganteng espasyo, ang mga opisyal ng resort ay nag-imbita ng mga miyembro ng Asian Media para sa isang araw ng kaganapan kung saan nakilala nila ang mga opisyal ng resort, nakita ang mga binagong bahagi nito, natikman ang mga tradisyonal na pagkaing Intsik, at  nakahalubilo ang ambasador ng resort na sanay sa ibat-ibang salita at kultura.  Makikita sa paligid ng resort  mga kultural at masasayang dekorasyon na kabilang sa selebrasyon ng Lunar New Year.  May  mga 100 na miyembro ng Asian Media ang dumalo sa Media Tour na ito na ginanap sa unang bahagi ng Pebrero. Kasunod ng  malaking renobasyon, makikita ng mga panauhin ng Pechanga Resort & Casino ang panibagong Blazing Noodles Asian restaurant. Tampok ng panibagong menu ng Blazing Noodles ang  mas maraming tradisyonal na pagkaing Intsik, kasama pa rin ang mga nakagawiang paborito at mga Westernized na seleksiyon. Ang mga ulam na tulad ng Roasted Duck Noodle Soup, Oxtail with Red Wine Sauce, Poached Duck Wings, Duck Tongue, Tofu at Pork Belly ay kasama sa menu.  Para sa mga panauhin na mas sanay sa Western Asian cuisine, ang menu ay binabalanse ng mga kilala at nakasanayang putahe,  Read More …

Feb 082014
 
Export-grade slaughterhouse to be put up in Batangas

MANILA, Philippines – An export-grade slaughterhouse for hogs in Tanauan, Batangas that would service the tolling needs of pig raisers in neighboring provinces will be completed this year, according to Agriculture Secretary Proceso Alcala. Interviewed on the sidelines of the recently-held 5th INAGHEN International Animal Health, Genetics & Nutrition Congress held, Alcala said  AAA abattoir would allow hog raisers in Batangas, Quezon, Laguna and Cavite to process meat for the export market. “This will greatly help the industry,” said Alcala. Of the total allocation of P150 million, the Agriculture chief said P120 million have so far been downloaded. “We can finance other equipment needed,” he said. The local government of Batangas would co-manage the abattoir and  facilitate the communication with hog raisers. Business ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1 The Tanauan abattoir can process 250 hogs per day. Slaughterhouses are classified into three classes: A, AA, AAA. AAA slaughterhouses are abattoirs with the proper facilities for export production while A and AA slaughterhouses are  equipped to serve the domestic market. A-rated abattoirs have a lesser production capacity than AA-rated ones. Three other slaughterhouses are expected to be put up this year. To be built in Bamban, Tarlac is a P120 million AAA poultry slaughterhouse and trading center.