Ang Pechanga Resort & Casino ay dati nang magiliw na destinasyon para sa mga panauhing Asyano. Mayroon itong “Asian host team” at mga palabas na Asyano na pinapanood ng mga panauhin na may iba’t -ibang lahi. Ikinagagalak ng Pechanga na ihandog ang pagtatanghal ni Kenichi Ebina, ang nagwagi sa “America’s Got Talent” Season 8, sa isang malaking produksiyon sa unang pagkakataon mula nang siya ay nagwagi sa telebisyon. Mararamdaman ng mga tagahanga ang buhay na buhay na lakas ng kanyang pagsasayaw sa dalawang espesyal na palabas na mala-“Kenichi Ebina Dance-ish Entertainment” sa Abril 12 at 13 sa Pechanga Theater. Ang mga tiket ay may halagang $30, $45, $60 at $80 at mabibili mula Martes, Pebrero 25, alas tres ng hapon. Mabibili ang mga ito sa Pechanga Box Office mula alas dose ng tanghali hanggang alas otso ng gabi, sa pamamagitan ng pagtawag sa (877) 711-2946 o sa pagbisita sa www.Pechanga.com/Entertainment.
Asahan ninyong makakita ng makatindig balahibong pagtatanghal mula sa soloistang mananayaw na ito na natutong magsayaw sa sarili niyang pagsisikap. Nagsimula si Kenichi Ebina sa pagsasayaw ng Freestyle Hip-Hop at natuto siyang magsayaw ng Poppin’, Lockin’, Mime, House, Jazz, Contemporary at Ethnic. Ang kanyang kakaibang estilo ng pagsasayaw ay kombinasyon ng magkakaibang ilusyon at epekto ng tunog, liwanag at paningin. Siya ay madalas na nakikisayaw sa mga tauhan na nasa malaking tabing sa kanyang likuran, na sarili niyang binuo o ginawa. Ang kanyang taktika ay ang aliwin ang mga manonood na hindi man lang interesado sa sining ng pagganap.
Sinimulan ni Kenichi Ebina ang kanyang karera sa pagsasayaw noong siya nagpasimula sa grupong “BiTrip,” kasama ang ibang mananayaw na Hapon noong 2001. Napanalunan ng BiTrip ang unang puwesto at sila ay naging Grand Champion ng “Amateur Night.” Noong 2007, napanalunan ni Kenichi ang pitong parangal sa isang kompetisyon sa pagsasayaw na pinamagatang “Showtime at the Apollo” at siya lamang ang naging Grand Champion ng dalawang beses sa buong kasaysayan ng Apollo Theater. Pagkatapos ng pitong taon, nakamit ni Kenichi ang pambansang pagkilala at nagkaroon siya ng mga tagahanga mula sa buong bansa sa pamamagitan ng “America’s Got Talent.” Pagkatapos ng kanyang pagsasayaw ng dalawang beses sa pinale ng palabas, siya ay hinirang na tagapanalo ng season 8 noong Setyembre 18, 2013.
Si Kenichi ay naging aktibong-aktibo pagkatapos niyang manalo sa “America’s Got Talent.” Siya ay nagtanghal sa maraming pagdiriwang at mga palabas na pang-telebisyon sa iba’t-ibang bansa, nagturo ng pagsasayaw sa Estados Unidos, Tsina, bansang Korea, Hapon at marami pang iba, at nagturo din ng sayaw sa teatro. Sa ngayon, si Kenichi at mapapanood sa telebisyon sa palabas na pinamagatang “Angelina Ballerina” sa PBS Kids Sprout bilang isang mananayaw.
Huwag kaligtaan ang kabiha-bighaning palabas ni Kenichi kung saan makikita ang kanyang tanging kakayahan sa pagsasayaw na tiyak na magpapahiyaw at magpapapalakpak sa mga manonood. Halina at ng maranasan ang lahat ng ito ng buhay na buhay sa Pechanga Resort & Casino!
Inaalok ng Pechanga
Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa. Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon. Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad. Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino. Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras. Ang mga panauhin ay dapat na may edad 21 anyos at pataas para makapasok sa casino.